Please scroll down for the Tagalog and Cebuano version of this press release.
FOR IMMEDIATE RELEASE
MANILA, Nov. 25 — The trial of former President Rodrigo Duterte opens at the International Criminal Court in The Hague on Nov. 30, a decade after the killings of his “war on drugs” swept across the country. For the families of those killed, the Philippine Truth Commission said, the date marks a beginning, not an end.
Duterte, 81, faces three counts of crimes against humanity over killings committed between 2013 and 2018, first as mayor of Davao City and later as president. The charges cover the murder of 76 people and the attempted murder of two others. The trial opens before the court’s Trial Chamber III at 10 a.m. Hague time, or 5 p.m. in Manila. Duterte will be asked to enter a plea, and then prosecutors and lawyers for the victims will give their opening statements. More than 500 victims have been allowed to take part in the case. He is the first former head of state from Asia to stand trial before the court.
“This trial tells the world that no leader, however powerful, stands above the law,” said Raul Pangalangan, chairman of the Philippine Truth Commission and a former judge of the International Criminal Court. “But the courtroom in The Hague will hear only a small part of the story. Thousands of Filipino families are still waiting for someone in their own country to tell them how their loved ones died and to hold accountable the people who pulled the trigger.”
Philippine police acknowledge 6,252 deaths in police operations during the Duterte presidency. During the six months since its launching in May, the Truth Commission has determined that at least 8,320 people were killed in the “drug war” and expects the number to increase as the commission continues its work.
The ICC prosecutes only those considered most responsible for such crimes. Senator Ronald dela Rosa, Duterte’s former national police chief, is also wanted by the court but remains at large. Most of the police officers and gunmen who carried out the killings have never faced a judge.
The commission said the trial shows how far the Philippines still has to go at home. The country’s problems began long before Duterte took office, and most remain unfixed. Laws are enforced unevenly, and investigations tend to stall when the suspects are police officers. Corruption and incompetence within the police have let abuses go unpunished for decades.
The courts have also failed the poor. Families without money for lawyers wait years for cases that seldom reach a verdict, and witnesses often stay silent out of fear. Abuses tied to the “drug war” persist a decade after the killings began.
“International justice matters, but it cannot be the only justice Filipinos get,” Pangalangan said. “A mother in Caloocan should not have to look to a courtroom thousands of miles away to be heard. Our own police, prosecutors and courts must earn back the trust of the people they failed.”
Church and civil society leaders launched the independent, civilian-led commission on May 27 to document the killings and the abuses tied to them. Cardinal Pablo Virgilio David serves as its convenor and advisor. Its members include the forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, the trauma and psychosocial support specialist Dr. Al Fuertes, the theologian Father Daniel Franklin Pilario and the human rights researcher Carlos Conde.
The commission held its first public hearing on Aug. 14, opening with the case of a teenager killed in 2017 whose remains were exhumed and examined by Dr. Fortun. Eight more truth-telling sessions have been held since then, where families of other victims testified.
The commission has also found that some victims who were shot to death were recorded as having died of illness. It said it would help families take legal action against doctors who signed death certificates listing questionable causes of death.
The commission does not prosecute. Its goal is to build a credible public record from the accounts of victims and their families, and to recommend reforms. It also hears cases that fall outside the reach of the international court.
“A truth commission does not replace the courts. It does what the courts have not done for these families, which is to listen,” Pangalangan said. “When death certificates are wrong and police reports are false, the truth gets buried with the victims. We are recovering it case by case, so the record cannot be erased and so future generations will know the crimes that were committed in their name.”
In October, the commission found that police officers in charge of areas with high death tolls were often promoted, not investigated. It urged the government to check every “drug war” death against police and financial records to find out who recommended those officers for promotion. It also called on Filipinos to follow the trial at The Hague, which the court will stream online with a 30-minute delay and which may last several years.
Officials of the commission will be in The Hague to observe the trial, and provide support for victims and advocates. (Truth Commission)
Tagalog
PRESS RELEASE
Sa Pagbubukas ng Paglilitis kay Duterte sa ICC, Dapat Ding Makamit ang Hustisya sa Sariling Bayan: Truth Commission
Sinabi ng dating hukom ng ICC na si Raul Pangalangan na mahalagang yugto ang paglilitis, ngunit kailangan pa rin ng mga pamilya ng mga napatay sa “drug war” ng mga sagot na tanging isang gumaganang sistema ng hustisya sa sariling bansa ang makapagbibigay.
MAYNILA, Nob. 25 — Magbubukas sa International Criminal Court sa The Hague sa Nob. 30 ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, isang dekada matapos lumaganap sa buong bansa ang mga pagpatay sa ilalim ng kanyang “giyera kontra drogha.” Para sa mga pamilya ng mga napatay, simula pa lang ang at hindi wakas, ayon sa Truth Commission.
Si Duterte, 81, ay nahaharap sa tatlong kaso ng crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay mula 2013 hanggang 2018, una bilang alkalde ng Davao City at kalaunan bilang pangulo. Saklaw ng mga kaso ang pagpatay sa 76 katao at ang tangkang pagpatay sa dalawa pa. Bubuksan ang paglilitis sa harap ng Trial Chamber III ng korte sa ganap na 10 n.u. oras sa The Hague, o 5 n.h. sa Maynila. Mahigit 500 biktima ang pinayagang makilahok sa kaso. Siya ang kauna-unahang dating pinuno ng estado mula sa Asya na haharap sa paglilitis sa korteng ito.
“Ipinapakita ng paglilitis na ito sa buong mundo na walang lider, gaano man kamakapangyarihan, ang nakahihigit sa batas,” sabi ni Raul Pangalangan, tagapangulo ng Truth Commission at dating hukom ng International Criminal Court. “Ngunit maliit na bahagi lamang ng kuwento ang maririnig sa korte sa The Hague. Libu-libong pamilyang Pilipino ang naghihintay pa rin na may magsabi sa kanila, sa sarili nilang bansa, kung paano namatay ang kanilang mga mahal sa buhay, at na may managot sa mga taong kumalabit ng gatilyo.”
Ayon sa tala ng pulisya ng Pilipinas, 6,252 ang namatay sa mga operasyon ng pulisya sa panahon ng panunungkulan ni Duterte. Sa loob ng anim na buwan mula nang ilunsad ang komisyon noong Mayo, natukoy nito na hindi bababa sa 8,320 katao ang napatay sa “drug war,” at inaasahan nitong tataas pa ang bilang habang nagpapatuloy ang gawain ng komisyon.
Nililitis lamang ng ICC ang mga itinuturing na may pinakamabigat na pananagutan sa ganitong mga krimen. Pinaghahanap din ng korte si Senador Ronald dela Rosa, ang dating hepe ng pambansang pulisya sa ilalim ni Duterte, ngunit hindi pa rin siya nahuhuli. Karamihan sa mga pulis at gunmen na nagsagawa ng mga pagpatay ay hindi pa kailanman humarap sa hukom.
Ayon sa komisyon, ipinapakita ng paglilitis kung gaano pa kalayo ang kailangang lakbayin ng Pilipinas sa sarili nitong bakuran. Nagsimula ang mga problema ng bansa bago pa maupo si Duterte, at karamihan dito ay hindi pa nalulutas. Hindi pantay ang pagpapatupad ng batas, at kadalasang natitigil ang mga imbestigasyon kapag pulis ang mga suspek. Dahil sa katiwalian at kawalan ng kakayahan sa loob ng pulisya, ilang dekada nang hindi napaparusahan ang mga pang-aabuso.
Bigo rin ang mga korte sa mahihirap. Ilang taong naghihintay ang mga pamilyang walang pambayad sa abogado para sa mga kasong bihirang umabot sa hatol, at madalas manahimik ang mga testigo dahil sa takot. Nagpapatuloy pa rin ang mga pang-aabusong kaugnay ng “drug war” isang dekada matapos magsimula ang mga pagpatay.
“Mahalaga ang internasyonal na hustisya, ngunit hindi ito maaaring maging tanging hustisyang makakamit ng mga Pilipino,” sabi ni Pangalangan. “Hindi dapat kailanganin ng isang ina sa Caloocan na umasa sa isang korte na libu-libong milya ang layo para lamang siya mapakinggan. Dapat muling makuha ng ating sariling pulisya, mga prosecutor at mga korte ang tiwala ng mga mamamayang kanilang binigo.”
Inilunsad ng mga lider ng Simbahan at ng civil society ang independiyenteng komisyon na pinamumunuan ng mga sibilyan noong Mayo 27 upang idokumento ang mga pagpatay at ang mga pang-aabusong kaugnay nito. Si Cardinal Pablo Virgilio David ang nagtipon nito at nagsisilbing tagapayo. Kabilang sa mga miyembro nito ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, ang espesyalista sa trauma at psychosocial support na si Dr. Al Fuertes, ang teologong si Father Daniel Franklin Pilario at ang human rights researcher na si Carlos Conde.
Idinaos ng komisyon ang una nitong pampublikong pagdinig noong Ago. 14, na nagbukas sa kaso ng isang binatilyong pinatay noong 2017. Hinukay ang kanyang mga labi at sinuri ni Dr. Fortun. Walo pang truth-telling session ang naidaos mula noon, kung saan nagpatotoo ang mga pamilya ng iba pang biktima.
Natuklasan din ng komisyon na may mga biktimang binaril hanggang mamatay ngunit nakatalang namatay dahil sa sakit. Sinabi nitong tutulungan nito ang mga pamilya na magsampa ng kaso laban sa mga doktor na pumirma sa mga death certificate na may kaduda-dudang sanhi ng kamatayan.
Hindi nag-uusig ang komisyon. Layunin nitong bumuo ng kapani-paniwalang pampublikong tala mula sa mga salaysay ng mga biktima at kanilang mga pamilya, at magrekomenda ng mga reporma. Dinidinig din nito ang mga kasong labas sa saklaw ng internasyonal na korte.
“Hindi pinapalitan ng truth commission ang mga korte. Ginagawa nito ang hindi nagawa ng mga korte para sa mga pamilyang ito, at iyon ay ang makinig,” sabi ni Pangalangan. “Kapag mali ang mga death certificate at huwad ang mga ulat ng pulisya, naililibing ang katotohanan kasama ng mga biktima. Binabawi namin ito, kaso por kaso, upang hindi mabura ang tala at upang malaman ng mga susunod na henerasyon ang mga krimeng ginawa sa kanilang pangalan.”
Noong Oktubre, natuklasan ng komisyon na ang mga opisyal ng pulisya na namamahala sa mga lugar na may mataas na bilang ng namatay ay kadalasang na-promote sa halip na imbestigahan. Hinimok nito ang pamahalaan na itapat ang bawat pagkamatay sa “drug war” sa mga rekord ng pulisya at mga rekord pampinansiyal upang malaman kung sino ang nagrekomenda sa pag-promote ng mga opisyal na iyon. Nanawagan din ito sa mga Pilipino na subaybayan ang paglilitis sa The Hague, na ipapalabas ng korte online nang may 30-minutong pagkaantala at maaaring tumagal nang ilang taon.
Pupunta sa The Hague ang mga opisyal ng komisyon upang subaybayan ang paglilitis at magbigay ng suporta sa mga biktima at mga tagapagtaguyod. (Truth Commission)
Cebuano
PRESS RELEASE
Sa Pagsugod sa Paghusay kang Duterte sa ICC, Kinahanglan Usab Makab-ot ang Hustisya Dinhi sa Pilipinas, Matod sa Truth Commission
Matod sa kanhi huwes sa ICC nga si Raul Pangalangan, usa ka dakong lakang ang paghusay, apan nanginahanglan gihapon ang mga pamilya sa mga namatay sa “drug war” og mga tubag nga ang usa lamang ka maayong sistema sa hustisya dinhi sa nasod ang makahatag.
MANILA, Nob. 25 — Mosugod sa Nob. 30 sa International Criminal Court sa The Hague ang paghusay kang kanhi Presidente Rodrigo Duterte, usa ka dekada human mikaylap sa tibuok nasod ang mga pagpamatay ubos sa iyang “giyera kontra droga.” Alang sa mga pamilya sa mga gipatay, sinugdanan pa kini, dili katapusan, matod sa Truth Commission.
Si Duterte, 81, nag-atubang og tulo ka kaso sa crimes against humanity tungod sa mga pagpamatay gikan 2013 hangtod 2018, una isip mayor sa Davao City ug sa ulahi isip presidente. Naglakip ang mga kaso sa pagpatay sa 76 ka tawo ug sa pagsulay sa pagpatay sa duha pa. Ablihan ang pagjusay atubangan sa Trial Chamber III sa korte sa alas 10 sa buntag, oras sa The Hague, o alas 5 sa hapon sa Manila. Kapin sa 500 ka biktima ang gitugotan nga moapil sa kaso. Siya ang kinaunhang kanhi pangulo sa estado gikan sa Asya nga moatubang og hukmanan sa maong korte.
“Gipakita niini nga pangkalibutan nga hukmanan nga walay lider, bisan unsa pa siya ka gamhanan, nga labaw sa balaod,” matod ni Raul Pangalangan, chairman sa Truth Commission ug kanhi huwes sa International Criminal Court. “Apan gamay ra nga bahin sa istorya ang madungog sa korte sa The Hague. Liboan ka pamilyang Pilipino ang naghulat gihapon nga adunay mosulti kanila, dinhi sa ilang kaugalingong nasod, kon giunsa pagkamatay sa ilang mga minahal, ug nga adunay manubag sa mga tawo nga mikalabit sa gatilyo.”
Matud sa kapolisan, 6,252 ka tawo ang namatay sa mga operasyon sa pulis sulod sa panahon ni Duterte. Sulod sa unom ka bulan sukad kini gilusad niadtong Mayo, natino sa Truth Commission nga dili moubos sa 8,320 ka tawo ang gipatay sa “drug war,” ug gilauman niini nga mosaka pa ang ihap samtang nagpadayon ang buhat sa komisyon.
Ang ICC naghukom lamang sa mga giisip nga labing responsable sa maong mga krimen. Gipangita usab sa korte si Senador Ronald dela Rosa, ang kanhi hepe sa nasodnong kapolisan ubos ni Duterte, apan wala pa gihapon siya madakpi. Kadaghanan sa mga pulis ug mga gunmen nga nagpatay wala pa gayod makaatubang og huwes.
Matod sa komisyon, gipakita sa hukmanan kon unsa pa kalayo ang kinahanglang lakwon sa Pilipinas dinhi sa kaugalingong nasod. Nagsugod ang mga problema sa nasod sa wala pa malingkod si Duterte, ug kadaghanan niini wala pa masulbad. Dili patas ang pagpatuman sa balaod, ug kasagaran mohunong ang mga imbestigasyon kon pulis ang mga suspek. Tungod sa korapsyon ug kakulang sa katakos sulod sa kapolisan, pipila na ka dekada nga wala masilotan ang mga pang-abuso.
Napakyas usab ang mga korte sa mga kabus. Pipila ka tuig maghulat ang mga pamilyang walay ikabayad sa abogado alang sa mga kaso nga panagsa ra makaabot og hukom, ug kasagaran maghilom ang mga saksi tungod sa kahadlok. Nagpadayon gihapon ang mga pang-abuso nga may kalabotan sa “drug war” usa ka dekada human nagsugod ang mga pagpamatay.
“Importante ang internasyonal nga hustisya, apan dili mahimo nga kini lang ang bugtong hustisya nga makab-ot sa mga Pilipino,” matod ni Pangalangan. “Dili angay nga magsalig pa ang usa ka inahan sa Caloocan sa usa ka korte nga liboan ka milya ang gilay-on aron lang siya madungog. Kinahanglang mabawi sa atong kaugalingong kapolisan, mga prosecutor ug mga korte ang pagsalig sa mga katawhan nga ilang gipakyas.”
Gilusad sa mga lider sa Simbahan ug sa civil society ang independente nga komisyon nga gipangulohan sa mga sibilyan niadtong Mayo 27 aron idokumento ang mga pagpamatay ug ang mga pang-abuso nga may kalabotan niini. Si Cardinal Pablo Virgilio David ang nagtigom niini ug nagsilbing magtatambag. Kauban sa mga miyembro niini ang forensic pathologist nga si Dr. Raquel Fortun, ang espesyalista sa trauma ug psychosocial support nga si Dr. Al Fuertes, ang teologo nga si Father Daniel Franklin Pilario ug ang human rights researcher nga si Carlos Conde.
Gihimo sa komisyon ang una niining publikong pagdungog niadtong Ago. 14, nga nagbukas sa kaso sa usa ka batan-ong lalaki nga gipatay niadtong 2017. Gikalot ang iyang mga patayng lawas ug gisusi ni Dr. Fortun. Walo pa ka truth-telling session ang nahimo sukad niadto, diin mipamatuod ang mga pamilya sa ubang mga biktima.
Nakaplagan usab sa komisyon nga adunay mga biktima nga gipusil hangtod namatay apan natala nga namatay tungod sa sakit. Miingon kini nga tabangan niini ang mga pamilya sa pagpasaka og kaso batok sa mga doktor nga mipirma sa mga death certificate nga adunay kaduhaduhang hinungdan sa kamatayon.
Dili mopasaka og kasong kriminal ang komisyon. Tumong niini ang paghimo og kasaligang publikong rekord gikan sa mga asoy sa mga biktima ug sa ilang mga pamilya, ug ang pagrekomendar og mga reporma. Gidungog usab niini ang mga kaso nga gawas sa sakop sa internasyonal nga korte.
“Dili ilisan sa truth commission ang mga korte. Gibuhat niini ang wala mabuhat sa mga korte alang niining mga pamilya, ug kana mao ang pagpaminaw,” matod ni Pangalangan. “Kon sayop ang mga death certificate ug bakak ang mga report sa pulis, malubong ang kamatuoran uban sa mga biktima. Among gibawi kini, kaso por kaso, aron dili mapapas ang rekord ug aron masayran sa umaabot nga mga henerasyon ang mga krimen nga gihimo sa ilang ngalan.”
Niadtong Oktubre, nakaplagan sa komisyon nga kasagaran gi-promote imbes nga imbestigahan ang mga opisyal sa pulis nga nagdumala sa mga lugar nga taas ang ihap sa namatay. Giawhag niini ang gobyerno nga itandi ang matag kamatayon sa “drug war” sa mga rekord sa pulis ug sa mga rekord sa panalapi aron mahibaloan kon kinsa ang nagrekomendar sa promosyon sa maong mga opisyal. Nanawagan usab kini sa mga Pilipino nga sundan ang paghusay sa The Hague, nga ipasalida sa korte online.
Moadto sa The Hague ang mga opisyal sa komisyon aron motan-aw sa hukmanan ug mohatag og suporta sa mga biktima ug mga tigpasiugda. (Truth Commission)




